bubbles

watch out, they pop

Just call me AMOR

Filed under: thinking out loud — akositinybubbles at 2:14 am on Friday, August 24, 2007

Sa mga di nakakakilala kay Amor Powers, isa sya sa mga leading characters sa telenobela ng Dos na Pangako Sa’Yo, played by Eula Valdez. Rags to riches and drama ng lola nyo sa story — tipong kung noon eh inaapi-api sya, ngayon eh ultimo kuko ng mga amo nya eh binibili na nya ngayon.

Anyway, yan ang naging feeling ko nung isang araw sa bangko sa San Pablo. I went
there with Tyline kasi aayusin namin yung pasong ATM card ng nanay ko. Bihira akong mag-bangko sa San Pablo kasi sa Maynila ako nagtatrabaho. Kaya naman nung may nakita akong familiar face, natuwa naman ako kasi at least, baka sakaling di na kami mahirapan sa pag-papaayos ng card ni mama.

So anyway, nakapila na kami, hoping na si Vinia (dating SA na kakilala ko at ni mama) ang mag-assist sa min. Di nangyari yun, pero nakita naman nya ako. So syempre ngite-ngite, musta-musta.

Nang biglang:

Vinia (sa katabi nyang teller): Ay tita, sya yung apo ni Tio Thenes

Teller (tingin sa kin): Ah.. ganun ba? (bigay ang passbook) Ineng, pa-check mo muna kung di pa closed ang account mo doon.

So punta ako sa isa pang teller. Si Vinia, hirit ule:

Vinia: Tita Nora, sya yung apo ni Tio Thenes!

Tita Nora: Ahhhh. So ikaw yung anak ni Mrs. Bong? Si Justine?

Me: Opo.

Tita Nora: Kapatid ako ni ate Noemi.

Me: Ay talaga po?

Tita Nora: Eh kung ikaw si Justine, eh di ikaw pala ang pet ni Tio Thenes?

Nagtinginan lang kami ni Tyline at ngumite.

Pero I swear, biglang umiksi ang buhok ko (na medyo magulo yung bandang sa may
batok), naging off shoulder and suot kong blouse at for some reason, gusto kong
maglabas ng payong at sabihing:

"Anong pet ang sinasabi nyo? AKO ANG TAGAPAGMANA NI THENES!"

[Thunderous laugh. Play theme music. Fade out lights. Exit, stage left]

Hwehwehwe. Wish ko lang.



2 Comments »

11

   Tonton

August 24, 2007 @ 2:27 am

Personally, I find Amor Powers really, really sexy…

12

   Aby

August 24, 2007 @ 5:43 am

mwahahahahaha! sis … ikaw ang bigaten!

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>