bubbles

watch out, they pop

for Alfie

Filed under: sighs — akositinybubbles at 9:19 am on Wednesday, September 26, 2007

One night
Just a few moons ago
You came to me looking for companionship
Nothing too deep, but neither was it shallow
Just an exchange of words and wits
Some laughter, some bitterness,
A hint of foolishness, even mischief.

It was whole lot of nothings, really—
But it became something
That somehow made my day, and even my nights.

But just like the moon
You disappeared somehow in the night
Slowly revolving, almost fading into that far distance
With no reason, nor hint of goodbyes.

There were a few words, I suppose
But nothing like before
Or at least nothing that I painfully hoped for—or sadly, assumed.

That left my days, and even my nights
Quiet, alone and empty—yet again.

blast from the past

Filed under: wala lang — akositinybubbles at 8:09 am on Friday, September 7, 2007

c-c-comon everybody (everybody, everybody, everybody) c-c-comon everybody!

tuwing umaga nung highschool ako, yan ang kantang nagsusumigaw sa jeep ng papa ko. paulit ulit, walang kasawa sawa. at kahit minsan dumudugo na ang tenga ko dahil hataw sa bass ang sound system ng tatay ko, i still can’t help but smile at the memory of the music–and of course, si papa.

Jive_bunnytawag sa kanila? Jive Bunny. it’s a novelty pop remix  na sumikat nung 80s. pinagdugtong-dugtong na dance songs like "in the mood", "rock around the clock", "wake up little susie" and "great balls of fire", among many others. pag narinig mo sila, i’m sure your feet can’t help but tap the floor. eh kung hindi lang ako dial up, malamang na-download ko na mp3 nyan. hmm. sa opis. hehe.

is it a bird??? NO! is it a plane??? NO! is it a TWIST??! YESSSS!!

_______________

nung isang araw naman kausap ko si Mimaws nang bigla kong naisip: ano-ano nga mga pangalan ng members ng Menudo?

o mga martial law and 80s babies, ‘wag nang magpa-cute at sabihing Menudo_2 "Menudo? Like the ulam?" kutusan ko kayo eh. umamin na kayo na tulad ko, nahumaling din kayo sa mga boylets na ito. umamin na rin kayo na pumila kayo sa Folk Arts Theater para lang makita kung totoo bang nangingintab ang mga metallic-colored pants nila at kung di nga ba nadudulas ang mga langaw pag dumapo dito.

[thought bubble: my God, umuugong sa tenga ko yung ad ng concert... ~~on April 12, 13 and 14. They'll sing with you, they'll dance with teens. Menudo Live in Manila!... *shudders* nuknukan ka talaga ng jologs tiny!!!]

so anyway, sino-sino nga ba ang myembro ng Menudo? sabi ni Mimaws, i-Google na yan! sabi ko nde teka, alam ko yan!

syempre si ROBBY (if you’re not here), si RICKY (a big kiss and a big hug–muah!), si CHARLIE (coz i still believe in love at first sight–duet nila ni Lea Salonga), si Ray (uhm…) at si…. si….

yun, dun ako natigil. inisip ko, Rey din nga ba yung isa? tagal kong inisip, hanggang sa di ko na napigilan ang mag type ng www.google.com.

akalain mo, pagbukas sa Wikipedia, eh napakaraming batches pala ang mga mokong na yan? at tumagal pa pala sila hanggang 1996. at nung 2006, nakuha pa talaga nilang maglabas ng Triple Threat DVD/CD Combo compilation of videos and songs. patay ka jan.

pero sa bagay, nataranta nga pala ako sa kanila hanggang Menudo Live in Manila 2… mga grade 5 siguro ako nun. sukdulang ikahiya ng ate ko dahil mga panahong yun eh new wave, Duran Duran at Spandau Ballet na kinahuhumalingan nila.

what can i say, even then, Ricky Martin can shake his bon bons on me any time. he he.

ay, si Roy nga pala–sya yung nakalimutan ko.

_______________

"Swimming? In the falls in December?"

"So??!"

walang magulo. i love papa Aga Mulach! [same way i lab piolo and waks, sabi nga ni ate] at yan ang isa sa mga "famous" lines nya as Adie sa movie na Bagets.

sino nga ba ang di mapapataas ang isang kamay habang ang isa ay nasa may bandang tenga na akala mo may kausap sa phone at mag wi-wiggle ka jan to the tune of Growing Up ni Gary V.

anyway, ba’t ko nga ba nabanggit to? ah. sabi kasi ni ate, may re-make daw ng Bagets, as portrayed by today’s hottest young male stars. sino sino sila? di ko alam. pero sabi ni ate, si John Pratts daw si Aga Mulach. at least, justifiable.

as to who else is going to portray Topee, Arnel, Tonton and Gilbert? i’ll get back to you. alam ni ate yan. he he.

sa mga kabataang barangay na di maka-relate, eto , tingnan nyo. sa mga ka-batch ko, anong score nyo sa quiz? 

o sya tama na at napaghahalata na edad ko.