bubbles

watch out, they pop

blast from the past

Filed under: wala lang — akositinybubbles at 8:09 am on Friday, September 7, 2007

c-c-comon everybody (everybody, everybody, everybody) c-c-comon everybody!

tuwing umaga nung highschool ako, yan ang kantang nagsusumigaw sa jeep ng papa ko. paulit ulit, walang kasawa sawa. at kahit minsan dumudugo na ang tenga ko dahil hataw sa bass ang sound system ng tatay ko, i still can’t help but smile at the memory of the music–and of course, si papa.

Jive_bunnytawag sa kanila? Jive Bunny. it’s a novelty pop remix  na sumikat nung 80s. pinagdugtong-dugtong na dance songs like "in the mood", "rock around the clock", "wake up little susie" and "great balls of fire", among many others. pag narinig mo sila, i’m sure your feet can’t help but tap the floor. eh kung hindi lang ako dial up, malamang na-download ko na mp3 nyan. hmm. sa opis. hehe.

is it a bird??? NO! is it a plane??? NO! is it a TWIST??! YESSSS!!

_______________

nung isang araw naman kausap ko si Mimaws nang bigla kong naisip: ano-ano nga mga pangalan ng members ng Menudo?

o mga martial law and 80s babies, ‘wag nang magpa-cute at sabihing Menudo_2 "Menudo? Like the ulam?" kutusan ko kayo eh. umamin na kayo na tulad ko, nahumaling din kayo sa mga boylets na ito. umamin na rin kayo na pumila kayo sa Folk Arts Theater para lang makita kung totoo bang nangingintab ang mga metallic-colored pants nila at kung di nga ba nadudulas ang mga langaw pag dumapo dito.

[thought bubble: my God, umuugong sa tenga ko yung ad ng concert... ~~on April 12, 13 and 14. They'll sing with you, they'll dance with teens. Menudo Live in Manila!... *shudders* nuknukan ka talaga ng jologs tiny!!!]

so anyway, sino-sino nga ba ang myembro ng Menudo? sabi ni Mimaws, i-Google na yan! sabi ko nde teka, alam ko yan!

syempre si ROBBY (if you’re not here), si RICKY (a big kiss and a big hug–muah!), si CHARLIE (coz i still believe in love at first sight–duet nila ni Lea Salonga), si Ray (uhm…) at si…. si….

yun, dun ako natigil. inisip ko, Rey din nga ba yung isa? tagal kong inisip, hanggang sa di ko na napigilan ang mag type ng www.google.com.

akalain mo, pagbukas sa Wikipedia, eh napakaraming batches pala ang mga mokong na yan? at tumagal pa pala sila hanggang 1996. at nung 2006, nakuha pa talaga nilang maglabas ng Triple Threat DVD/CD Combo compilation of videos and songs. patay ka jan.

pero sa bagay, nataranta nga pala ako sa kanila hanggang Menudo Live in Manila 2… mga grade 5 siguro ako nun. sukdulang ikahiya ng ate ko dahil mga panahong yun eh new wave, Duran Duran at Spandau Ballet na kinahuhumalingan nila.

what can i say, even then, Ricky Martin can shake his bon bons on me any time. he he.

ay, si Roy nga pala–sya yung nakalimutan ko.

_______________

"Swimming? In the falls in December?"

"So??!"

walang magulo. i love papa Aga Mulach! [same way i lab piolo and waks, sabi nga ni ate] at yan ang isa sa mga "famous" lines nya as Adie sa movie na Bagets.

sino nga ba ang di mapapataas ang isang kamay habang ang isa ay nasa may bandang tenga na akala mo may kausap sa phone at mag wi-wiggle ka jan to the tune of Growing Up ni Gary V.

anyway, ba’t ko nga ba nabanggit to? ah. sabi kasi ni ate, may re-make daw ng Bagets, as portrayed by today’s hottest young male stars. sino sino sila? di ko alam. pero sabi ni ate, si John Pratts daw si Aga Mulach. at least, justifiable.

as to who else is going to portray Topee, Arnel, Tonton and Gilbert? i’ll get back to you. alam ni ate yan. he he.

sa mga kabataang barangay na di maka-relate, eto , tingnan nyo. sa mga ka-batch ko, anong score nyo sa quiz? 

o sya tama na at napaghahalata na edad ko. 



1 Comment »

13

   Aby

September 7, 2007 @ 1:00 pm

Naiyak naman ako kay jive bunny. para dun sa nagtatanong kung anong nakakaiyak kay jive bunny … eh kasi isa yun sa mga fond memories naming magkakapatid sa papa namin .. kaya pagbigyan nyo na ako …

sige na nga aamin na ako na crush na crush ko si robbie rosa … pero understandable lang yun kasi 12 lang ata ako nun e o 13 .. so may excuse. hehehe. pero huy, hanggang menudo one lang ako ha …
pero take note nung biglang nag broadway si ricky martin sa les miz ..syempre sugod kami at nanood … hehehehe…

yung bagets… syet tandang-tanda ko yun ..pumayag si nanay na mag-absent kami ni yaya para mapanood namin yun ng 1st day … hahahaha!

sabi sa wikepedia si cutie pie john pratts ang si aga … tapos si tonton [si william 'to diba?] si bokbok … si ano.. si gerald … yun … tapos si kim si yayo … yun pa lang alam ko. dont worry update ko kayo pag may bago …

labs u sis!

atew

yung menudo .. sige na nga

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>