gusto mo bang sumama?
“Resultang 1 - 10 sa halos 279,000 para sa blog entries for eraserheads reunion concert”
yan ang sabi sa kin ni ka Google as of 7:52 pm. in short, huli na pala ‘tong blog ko.
okay lang naman, expected naman yun, lalo na sa mga pangyayaring naganap that one historic night in the Philippine rock scene. at siguro wala na rin akong pakialam kung ika 279,001 na ‘tong blog na to sa nabasa nyo. simple lang naman solusyon jan, eh di ‘wag nyo nang basahin. basta ako, magkukwento, ayon sa memory ko, ayon sa experience ko. blog ko ‘to, bakit ba? ![]()
nung una kong marinig ang balitang magkakasama uli si Buddy, Ely, Marcus at Raimund–yes ERASERHEADS!–matapos nilang ma-disband nung 2002, i was like–MUST.BE.THERE.
pero mejo nag po-pop din ang excitement bubble ko a few days after i learned about it. kasi naman:
1. libre daw — my goodness, that means every juan dela cruz whose lives have been affected by this Beatles of a band will most likely be there! walang control sa crowd… afraid!
2. sa CCP open grounds ito - mas afraid, kasi hindi ganoon ka contained ang tao.
3. sa isang website na ilalabas ng major sponsor daw makaka-download ng “tickets” - anong www ito? kelan ilalabas? at ilan ang pwede mong i-download? at ano, first come, first served ba?
ilan lang yan sa mga issues na pinagusapan naming mga tropa. at di naglaon, napagtanto namin na, to heck with it!!! this is ERASERHEADS. ang soundtrack ng college life ko. as in Ligaya-Pare Ko-Alapaap-With a Smile-Ang Huling El Bimbo ERASERHEADS! at kahit ni isang concert or gig nila eh napanood ko, kebs. ERASERHEADS pare!
so yun, resolved na kami. sukdulang mag-park na lang kami somewhere outside the venue at marinig lang sila, ligaya na namin.
kaso yun, naglabasan na mga mas mahahalagang issues, kesyo may mga restrictions pagdating sa mga yosi sponsors, churva, churva. mukang lumalabo na talaga.
biglang eto na ule, game na talaga! pero di na sya libre, at di na sya sa CCP open grounds.
dito talagang mega sabog na excitement bubble ko. namahalan ang tropa sa ticket, tapos yung supposedly “sponsor” ko sana, di ko maintindihan kung seryoso ba or what.i swear, tinanggap ko na na di ko sila mapapanood. sabi ko shets, i can’t believe i’m letting history pass us by. pero ganun eh, ganun talaga. ang sabi ko sa thread na sinimulan ko sa tinatambayan kong forum: “ikanta nyo na lang ako ng Alapaap at Ligaya ha? pramis?”
beat pa lang ng intro sa Alapaap, nayanig na ang the Fort open fields. isipin nyo na lang nung biglang bumanat na si Kapitan Ely (sabi nga ni Marcus sa Tikman ang Langit: An Anthology on the Eraserheads) ng may isang umaga, na tayo’y magsasama; haya at halina sa alapaap; o anong sarap!
promise, kinilabutan ako. sino nga naman mag-aakalang matutupad ang gabing yun, lalo na’t 6 na taon na ang nakakaraan since huli silang nag perform together? sinong mag-aakala na para sa kahilingan ng mga tagahanga, sukdulang hindi sila mag usap-usap sa stage (as in walang adlib, spiel, wala) makatugtog lang?
sinong mag-aakalang makakapanood ako kasama ni favorite friend tyline, at sa VIP pa [salamat SAM! let the joy rise, always!]! at O.M.G.! sinong mag-aakalang ALAPAAP ang opening song nila!!! i swear, gusto kong umiyak.
at naging ganun pa rin ang pakiramdam habang kinanta nila ang ligaya (2nd song! mahal ako ni Lord :)),huwag mo nang itanong, kamasupra, kaliwete, torpedo, fruitcake, shake yer head, harana, huwag kang matakot, toyang, with a smile at kailan (i know i’m missing something, pa-fill in the blanks na lang)
but what was most unexpected of them all was after 15 songs, it’s all over. Kapitan Ely had to be rushed to Makati Medical Hospital because he was experiencing chest pains right after last song of the first set (salamat Wikipedia). pero stable na sya ngayon, although he went through another angoplasty thingy. at least okay na sya.
nasa bandang exit na kami ni tyline kasi di na namin nakayanan ang claustrophobia tendencies sa VIP area nung in-announce na tapos na ang concert. may konting cat calls lang, pero bilib ako sa mga fans na inintindi ang sitwasyon at maayos na lumabas ng concert area. kasi i’m sure kung sa iba-iba yun… naku.
oo naman, talagang bitin. lalo na nung nabalitaan namin na itinuloy nila ang jamming sa Saguijo, at ang mga tunay na Del Valle (read: anak ng Dyos) lang ang nakasama.
pero di ba naman, di na natin control yun. isipin na lang natin na deng! we were there. we were part of history. makokontento na nga lang sana sa labas ng venue, pero no! nandoon kami sa harap, halos abot kamay ang Beatles ng Pilipinas. masalo-salo na nga namin ang bote ng mineral water at drum sticks ni Raimund eh.
so hell yeah we were there! that one rare but fine night, when Buddy, Ely, Marcus and Raimund were once again THE ERASERHEADS.
hanggang sa dulo ng mundo
…hanggang mahulog ang tala.