bubbles

watch out, they pop

just tell me why

Filed under: grunt — akositinybubbles at 11:28 am on Wednesday, November 12, 2008

a couple of years back, may sale dun sa bagong bukas na Guess boutique dun sa probinsya namin. the store is no more than 30sqm, with its staple glass doors and all.

at that time i had a transparent purse/bag with me–and by transparent i mean you can practically see the soul of my bag. see-through neng. kaya naman laking gulat ko nung sinabihan ako ng guard na iwan ko daw sa baggage counter ang bag ko.

i was like: manong, plastic ho bag ko. kita nyo nga kung may dala akong pantyliner eh, ba’t ko pa iiwan?

guard: eh mam malaki ho bag nyo.

me: eh manong, ang liit-liit ng tindahan nyo, ang laki laki kong tao. siguro naman di ako ganun kabobo na magnakaw pa sa tindahan nyo, gamit pa ang see through bag ko.

guard: eh mam kailangan talaga iwan.

i decided to just wait for my friends outside.

paki-explain nga. bakit?

fast forward to about a month ago. we just flew back from Palawan and we were all taking cabs going home. sa Terminal 3 may 2 linya ng cabs: one for the yellow-colored cabs na kinda special kasi ang flagdown nya eh P70. the other, your regular P30 flagdown + P10 cab.

of course we went for the regular cab. 2 minutes into the ride, humirit si manong driver: mam plus 50 po tayo ha.

lahat kami: HO??! baket??!

manong: eh wala naman ho akong nakukuhang pasahero galing jan eh.

ako: eh ba’t kayo pumila dun?

kaibigan ko: saka di sana dun na lang kami sa dilaw sumakay, mas mahal pa kayo eh.

manong: eh lugi ho ako eh.

ako: eh ba’t nga kayo pumila eh ayaw nyo pala ng pasahero?

1 ko pa na kaibigan: manong, ibalik nyo na lang kami sa airport kung ayaw nyo kami isakay.

hindi kami ibinalik sa airport, hindi rin sya nag plus P50. pero sa dami ng stopover nya (tsk tsk flat yata. traffic. dito ho ba ang daan? pasyal sa luneta), parang ganun na rin. binayaran namin sya up to the last centavo. kesihodang may butal.

so again, baket?

kagabi na lang, nasa GREENHILLS kami. tandaan ang lugar: GREENHILLS. manonood kami sa THEATER MALL ng madagascar ng kaibigan ko.

wala kaming kaalam-alam na BAWAL ANG LAPTOP sa sinehan. as in. kasi diba? anong logic nun? i mean paano kung:

1. weekday, galing ka sa trabaho, wala kang sasakyan (at bakit mo naman iiwan sa sasakyan) pero may bitbit kang laptop. nagkayayaan manood ng sine, ano yun, di ka makakapanood dahil may laptop ka?

2. bawal laptop, pero cellphone, ipod, camera pwede? may nagchuchukchakan na nga sa loob ng sinehan ng hindi nahuhuli, pero laptop–ang makaagaw pansin na laptop–bawal. ano daw?

3. why o why naman ako magbubukas ng laptop sa loob ng sinehan eh manonood nga ako ng sine? at HELLO? pagbukas na pabukas pa lang ng lappy mega ilaw na sya. ganun ba kami katanga para di malaman yun?

anyway, bumibili pa lang kami ng ticket, kitang kita na nung babae sa counter na may bitbit na laptop kasama ko. dun pa lang pwede na kaming sabihan.

papasok na kami ng theater, check bags, biglang si manong guard: mam ano ‘to?

ako: laptop ho

guard: mam bawal ho sa loob yan

ako: HUH? bakit gagamitin ko ba yan sa loob? syempre hindi diba, manonood nga ako ng sine eh.

guard: eh bawal ho eh. kung gusto nyo, iwan nyo sa vault namin.

ako: huh no way. mapano pa laptop ko.

guard: eh mam policy ho.

ako: eh manong, ba’t ko naman gagamitin yan sa loob? MANONOOD NGA AKO NG SINE EH.

guard: di po talaga pwede. iwan nyo na lang sa vault.

kaibigan ko: eh kung may mangyari sa vault at masira laptop namin, babayaran nyo ba? di naman diba?

guard: basta bawal ho.

in short, nag refund kami. at nakipagtalo pa ang babae sa snack counter ha, nagmalaki lola mo na madaming alam!

kami: ba’t di nyo agad sinabi na bawal pala.

babae: mam nakasulat yun dun sa ticket booth.

kami: eh bakit bawal? parang ngayon lang kami nakarinig ng ganun?

babae: eh kasi mam baka ma-pirata movie.

nanlalaki mga mata. nasan nga ule kami? diba GREENHILLS??? nuknukan ng piracy. spell pinuputakte ng pirata.

kami: ANO? eh bakit cellphone hindi bawal?

babae: eh maliit lang ho memory ng cellphone

kami: ah eh anong akala nyo sa phone namin? chipangga? kayang kaya namin mamirata no.

babae: eh basta bawal ho. saka kung may mangyari naman ho sa laptop nyo sagot ng management.

RIGHT.

i understand that establishments have rules and policies to follow. fine. if they make sense, by all means, i will oblige. pero wag nyo naman sanang gawin mga tanga customer nyo.

so bakit nga ule?



4 Comments »

17

   Eric Lee

November 12, 2008 @ 11:33 am

Would you be interested in exchanging blogrolls links with my site? Please email me if you are interested

18

   Dino

November 13, 2008 @ 3:24 am

‘kaaliw! bakit nga naman ba? nasan ba yang mga anak ng putakte na yan at mahampas! hahaha.

20

   F

December 16, 2008 @ 9:06 am

hahaha…. namiss ko tuloy ang pinas!!! malamang kumukulo din ang dugo ko if I were there with you guys….

hay…. onli in the filipins!

22

   marie

February 4, 2009 @ 4:12 pm

hahaha…kakaaliw ka talaga jeys?!!! Well accept the fact!!! “ONLY IN THE PHILIPPINES” ka imbyerna talaga!..

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>