bubbles

watch out, they pop

dalawampung araw

Filed under: sighs — akositinybubbles at 7:39 am on Tuesday, May 12, 2009

dalawampung araw–
sapat na siguro yan
para makita ka
sa kakaibang liwanag
ang may marinig na kakaibang himig
ang pakiramdam na sadyang naiiba
magaan, malumanay…masaya.

dalawampung araw–
tama na sa akin iyon
ang ngumiti sa bawat biro
ang magumapaw sa bawat haplos
ang bumuntong hininga sa bawat lambing
na alam ko namang hindi talaga
para sa akin.

dalawampung araw.
oo. tamang tama lang ‘yon.
kaya salamat… salamat sa iyo
dahil ipinadama muli
kung paano ang ngumiti
ang lumambing–ang umibig.
tutal din naman
walang pwedeng mangyari
hindi pwedeng umatras
mas lalo na ang umabante.

kaya balik na lang sa dati
dalawampung araw ang nakakaraan–
andyan ka, at dito lang ako.

para kay Q

Filed under: sighs — akositinybubbles at 10:16 am on Friday, May 1, 2009

tutal din naman nadadaan ka sa sulat
di mo pa kasi nauusisa, isa rin akong makata
kulit mo kasi kaya nakakaligtaan
ano man itong tunay na nadarama

di ko naman talaga pinapansin
mga ipinakikita mo
kasi hindi kakaiba sa’yo
ang maging magiliw, ang maging malambing

kung bakit isang araw
biglang naiba ka sa paningin ko
iba ang ngite, iba ang dating
i heard the music, sabi nga ni Dyanara
na-chuva-choo-choo, sabi nga ni Jolens
Highschool Musical ito, bonggang bongga.

ipinalagay ko na lang sa sarili ko
na baka naaaliw lang ako, na nag-uumapaw
ilang tag-araw at tag-ulan na rin naman kasi
mula noong huli ko itong naranasan.

pero huwag mag-alala–huwag naman.
alam ko na po. sanay na po.
dinaanan ko na ito, ilang beses pa nga yata
kaya naman kabisadong kabisado ko na.
malakas yata ang fighting spirit ko
lilipas din ito, ito ang sumpa ko–ito ang pangako ko.

kaya kung sakaling makita mo ito
at maramdamang ikaw ang tinutukoy ko
mahirap mang gawin, ikaw sana’y huwag magbago.
kasi ako, ganito pa rin… kaibigan, kalokokan.
nanunumpang alam at nadarama ng diwa at puso ko
na d’yan ka lang, at dito lang ako.